logoMobile Dating & Chats Online
You surf offline, please Sign up or Log in.
Sign Up  Log In
paano???
Paano nga ba magsisimula ang bagay na tapos na,paano mo dudugtungan ang pisi na pinutol na,at paano...paano mo sasagutin ang tanong na paano kung sa sarili mo di mo alam kung paano nangyari ito.
Madaling sabihin na ok na.......ngunit paano Kung Hindi pa
Madaling magpanggap na matatag ka......pero ang totoo paano Kung di mo na kayanin pa?!
Saan ka kakapit para tumayo pa,....Kung natatakot Kang sagutin ang tanong na" paano Kung pansamantala na naman pala."....maraming tanong sa isip ko bakit ganito?....bakit ganun.......masaya nung una pero parang panaginip Lang at sa isang iglap......sa isang yugyog Ng balikat......ang kaligayahang nakamtan ay biglang naglaho at napalitan Ng sakit,Ng lungkot...Ng pagluhang di mo alam kung kailan matapos......ang dating ngiti ay napalitan Ng lungkot.....ngayon sabihin mo..anong kasalanan ko di Kita kilala pero nilapitan mo ako.....ayaw kitang tanggapin pero pinilit mo......at Kung kailan masaya na ako ay binawi mo......masakit dahil ito ang pangarap ko....pangarap ko na binuo kasama mo.....pangarap ko na hinangad na makamtam ko......pangarap ko na dinurog mo at pinagkapira piraso ay ang makasama ka hanggang dulo......ngunit pagdating ko sa dulo ibang kamay ang hawak mo... ibang pangarap ang tinupad mo at ibang puso ang pinadala mo.....ngayon sagutin mo Kung Paano?? Paano ko sisimulan ang buhay Kong nasanay na sayo.
19-02-11 22:50:17 | by akotohmo
Views: 57 | Like: 3 * Unlike: 3 *
Comments
No comments yet, be the first to comment... ;)
akotohmo blogs  My blogs  Blogs
^top  Main
2007 - 2013 topfun.mobi