logoMobile Dating & Chats Online
You surf offline, please Sign up or Log in.
Sign Up  Log In
Paano nga ba maging tanga
"Pa'no Maging Tanga"
ni: Ms. Tsokulit
Pa'no maging tanga?
Halika, tuturuan kita.
Subukan mong mamangka sa gitna
ng kalsada!
Maghanap ka ng santol sa puno ng
mangga.
Buhusan mo ng tubig ang loob ng
'yong tenga;
at pisaan mo ng sili ang 'yong mga
mata!
Bilangin mo ang hibla ng 'yong
buhok.
Maghanap ka ng kuto sa ulo ng
panot.
Kumain ka ng buko kasama pati bao
at bunot
o kaya nama'y magluto ka ng bato
tapos hintayin mong lumambot!
Ito pa, gawin mo...
Igiban mo ng tubig 'yong inidoro--
syempre, 'yong hindi barado!
Tingnan natin kung mapupuno mo!
Subukan mo ring mag-abang ng
barko sa terminal ng eroplano
o kaya naman, magkabit ka ng
karatula sa likod mo
na may nakasulat na "SIPAIN N'YO
KO!"
tapos magalit ka kapag may sumipa
sa 'yo!
Pa'no maging tanga?
Ganito, makanig ka!
Humigop ka ng sabaw gamit ang
tinidor.
Bumili ka ng shabu sa drugstore!
Mamingwit ka ng isda sa swimming
pool.
Hiwaan mo 'yong palad mo, sabay
babad sa alcohol!
Akyatin mo 'yong puno ng kamatis!
Subukan mo ring matulog sa gitna
ng riles!
Yakapin mo 'yong cactus nang
mahigpit.
Subukan mong punuin ng tubig ang
basket!
Oh 'di ba? Tangang malupet?!
Ano, hihirit ka pa?
Pa'no maging tanga?
Ganito lang 'yan...
paghiwa-hiwalayin mo 'yong kapeng
3-in-1.
Tanungin mo 'yong buwan kung ba't
ka niya sinusundan!
Subukan mong mag-toothbrush
gamit ang suklay.
Maglakad ka nang may saklay kahit
'di ka pilay!
Maghanap ka ng ginto sa dulo ng
rainbow.
Sabihin mong 'wag kang sundan ng
sarili mong shadow.
Subukan mo ring mag-isang maglaro
ng seasaw!
At dito, 'di ka papalpak--
magiging tanga ka nang swak na
swak!
Kilitiin mo ang sarili mo, sabay
halakhak
at gamit ang 'yong mga paa, ika'y
pumalakpak!
Pero ito na; seryoso na!
Pa'no maging tanga?
Edi, balewalain mo 'yong taong
nagmamahal sa 'yo nang totoo...
at ipagsiksikan mo ang sarili mo sa
taong walang pakialam sa 'yo!
©Read and Laugh
.copy paste..
19-02-09 00:50:48 | by Panget_moniq11
Views: 157 | Like: 2 * Unlike: 3 *
Comments
phoenix31785 Translate in english please
19-02-09 02:34:04
Panget_moniq11 blogs  My blogs  Blogs
^top  Main
2007 - 2013 topfun.mobi