logoMobile Dating & Chats Online
You surf offline, please Sign up or Log in.
Sign Up  Log In
a poem written by a friend of mine
Ito ang mga bagay na natutunan ko mula sa pag-ibig:
Una,
piliin mo ang umibig.
Sa madaling salita,
piliin mo siya nang paulit-ulit.
Pangalawa,
sumugal ka sa tamang panahon.
Hindi ko sinasabing hindi tama itong oras
na pareho ninyong nilikha
o inilimbag ng tadhana.
Pero ang ibig kong sabihin ay
matuto kang maghintay.
Hindi dapat minamadali ang mga bagay.
Dahil kung para sa inyo ito,
kahit hagkan man kayo ng paglayo
ay palagi kayong uuwi sa inyong ipinangako.
Pangatlo,
matuto kang dumistansiya
mula sa nakaraan ng lumbay, lungkot,
at 'yong mga takot
na naghahari sa iyong puso.
Matuto kang ibigin ang nga susunod na araw
kasama ang iyong kasalukuyan.
Pang-apat,
hindi masama ang maging madamot.
Ito ay nangangahulugan ng pag-ibig
at tamang pag-aalaga sa iniibig.
Panglima,
'wag kang matakot sumugal ulit.
Kung nasaktan ka man ng kahapon
ay asahan mong may darating
upang pawiin ang mga luhang nakipaglaro
sa iyong mga mata
at muli kang tuturuan
na bumalik sa kaharian ng saya't pag-ibig.
Pang-anim,
pahalagahan mo ang buhangin
mula sa iyong likhang orasan.
Dahil walang kasiguraduhan
ang mga pangakong pananatili.
Pangpito,
'wag kang mangangako
kun'di gawin mo ang lahat ng makakaya mo.
Pangwalo,
kayanin mo
dahil kinakaya rin ng taong mahal mo.
Pareho kayong lumaban
nang bitbit ang pag-ibig
na ibinigay ng langit.
Pangsiyam,
mahalin mo siya nang totoo at walang iba.
Pangsampu,
kung dumating man ang panahon
na ikaw ay mapagod,
bumalik ka sa simula.
Bumalik ka sa unang itinuro sa iyo ng pag-ibig.
Ito...
Ito ang mga bagay na natutunan ko mula sa'yo.
✍🏼 Angelika Bianca Aquino
📷 www.pexels.com
19-05-26 14:44:08 | by vander_decken
Views: 31 | Like: 0 * Unlike: 1 *
Comments
No comments yet, be the first to comment... ;)
vander_decken blogs  My blogs  Blogs
^top  Main
2007 - 2013 topfun.mobi