logoMobile Dating & Chats Online
You surf offline, please Sign up or Log in.
Sign Up  Log In
Mahal mo O Mahal ako?? Kanino ka?
Mahal mo O Mahal ako?? Kanino ka?
“Mahal ko o Mahal ako? Anong Mas matimbang? Anong mas mahalaga? Anong mas masaya?”
Yan ang isa sa mga tanong na paulit-ulit kong nababasa at naririnig ko kama-kailan lang, di ko alam kung gawa ba yan ni KZ Tandingan o
sadyang karamihan ng mga kaibigan ko sa Facebook nasa Emotional season. Ito yung tanong na maaring gumugulo din sa isipan niyo minsan o kaya
ay napagdaanan niyo na.
Ang note na ito ay magsisilbing pangsariling sagot ko lamang tungkol sa tanong na ito. Ang side comments o kritisismo ay pupwede pero please wag niyo naman akong sumpain. Maarin din kayo magbahagi ng inyong nilalaman sa isip matapos niyong basahin ang maikling note na ito.
Sa loob ng isang tanong ay may dalawang uri ng pagmamahal, MAHAL KA at MAHAL MO. Papaano natin susuriin, ganito yun:
Mahal ka (conditional)– Isang uri ng pagmamahal na kung titignan ay pabor sayo, praktikal na klase ito ng pagmamahal, tulad ng ilang mga taong may paniniwala na ‘natutunan ang pagmamahal’ isa itong pagpili ng taong siguradong mahal ka. Playing safe di ba? pero atleast ligtas ka. Pagmamahal to na nauuna ang utak sa puso.
Ano yung masakit? Wala sayo, pero sa kanya meron. Maraming klase ng pagmamahal ang pupwede mong maramdaman para matuto kang sumukli sa iba, ngunit ang tunay mong mararamdaman para sa taong mahal mo ay primera klase at eto yung hindi mo kayang ipaliwanag. Sa akin hindi mo matutunan ang tunay na pagmamahal, kung hindi mo talaga kaya, sasaktan mo lang siya, pero kung matututo ka, maaring mabuti pero hindi ito kahit kelan naging puro.
Mahal mo (selfless) – Eto ang uri na kabig mula totoong nararamdaman ng puso, hindi mo to pinili o pinilit, eto ang kusang lumabas, isang pagmamahal na karaniwang nararamdaman ng sawi, pero puro, laging masakit pero totoo, hindi siya playing safe ito ay may sakripisyo, kung mahal ka rin ba ng taong mahal mo? o okay lang kahit na sa panaginip nalang ang mga bagay na hiniling mong sana totoo?
Ano yung masakit? Halata naman, syempre sayo, pero dito papasok ang salitang‘probability‘, ang pag-asa na maaring magbuo o manira ng paniniwala mong pag-ibig.
Ngayon sasagot ako ng ilang tanong.
Anong mas matimbang?
Mas matimbang ang pagmamahal mo kaysa sa kahit kanino, di mo masusukat ang pagmahahal, pero ang desisyon mo ay dadalin mo ng matagal kung pipiliin mo ang pagmamahal na alam mong hindi ka lubos na sasaya. Minsan aminin man natin o sa hindi, ang pagkasawi ay nagdadala ng isang uri ng inspirasyon at pagkakataon na mas makilala pa ang ating mga sarili. Kaya nga nasasabi natin minsan, ang mga taong single likas na perpekto, pero pag nainlove, ayan na.
Anong mas mahalaga?
Kung takot ka magrisk pero ayos lang makapanakit, dun ka sa taong mahal ka.
Pero kung iinintidihin mo, maaring nasasaktan ka ng pagmamahal mo kung one-sided pero mahalagang naiparamdam mo di ba? Atleast di man sila nasaktan atleast di ka nakapanakit.
Anong mas masaya?
Purong pagmamahal. Although reality check, mas okay na uunahin mo ang sarili mo, sa mundong to tinuturuan kang magtabi para sa sarili mo, pero kung iisipin, ang pagmamahal ay selfless dapat di ba? First and foremost, pure love is unconditional.

Sa tanong na yan, mas pipiliin ko ang Mahal ko.
Parang pagiging martir, di mo naman mapipili ang taong mamahalin mo, at di mo rin mapipilit na mahalin ka,
pero aminin mo, sa pag mamahal mo kahit masakit,  alam mong dun ka tunay na sasaya.

Hindi mo naman kelangan ng iba, para pilitin ang sarili mo, liban nalang nga, kung pagod ka na. Maiintindihan ko yun.
Pero kung talagang iibig ka, siguraduhin mo nalang na sasaya ka nga talaga.
Mas masaya yung Mahal mo tas mahal ka!
At di mo mamalayan yan.
Yun lang. hahaha
19-01-11 19:23:23 | by Juliet1625
Views: 153 | Like: 2 * Unlike: 0 *
Comments
dynamite27 Nice blogs
19-01-25 17:47:23
Zackley Ano yan bhe?talumpati mo?😉😉😉😉
19-01-12 13:14:41
Juliet1625 Sorry nmn haha
19-01-11 19:28:33
hornyjay33 Haba
19-01-11 19:27:02
Juliet1625 blogs  My blogs  Blogs
^top  Main
2007 - 2013 topfun.mobi