logoMobile Dating & Chats Online
You surf offline, please Sign up or Log in.
Sign Up  Log In
Pinagtagpo..ngunit hindi Itinadhana 💔
Pinagtagpo..ngunit hindi Itinadhana 💔
"pinagtagpo ngunit hindi itinadhana”,–
Linyang karaniwang naririnig sa mga tula,
Linyang laging laman ng diwa,
Mga salitang sinasambit palagi ng dila. –Tanggap kahit isang pagpapanggap,
Hinaharap kahit puno na ng sugat.
Tila napakaperpekto naman ng lahat,
Tadhana lang ang sa atin ay salat.
Nagpapasalamat kahit di sapat,.
kahit laging may “sana dapat”.
Minsan sumagi sa isip,mga pinangarap at panaginip;
Paano kung ikaw ang una?
Maari mo rin kayang masabi na ako sayo’y mahalaga?
Paano kung tumama ang PAGKAKATAON sa TADHANA?
Maaari kayang magkaroon ng tayong dalawa?
Minsan nahihirapan sa pagtago,
Nasa pagitan ng pagpapatuloy at paghinto.
Walang katiyakan ang bigay sa ating saglit na panahon,
Walang kasiguraduhan pero pilit inaahon.
PAALAM ngunit nagpapatuloy,
BIBITAW ngunit sumasabay pa rin sa alon.
Ctto
18-05-15 19:04:20 | by Vhi-
Views: 137 | Like: 6 * Unlike: 0 *
Comments
Qwin-vhi Ito na ang pinaka magandang blog na nabasa ko 😂😁
18-05-16 11:59:57
Vhi- blogs  My blogs  Blogs
^top  Main
2007 - 2013 topfun.mobi