logoMobile Dating & Chats Online
You surf offline, please Sign up or Log in.
Sign Up  Log In
SKL ( copypaste)
Naalala ko 'nun sabi ng teacher ko, "May dalawang klase
ng pagmamahal. Iyong pagmamahal na nanatili, at iyong
pagmamahal na umalis pero bumalik." and then she
asked the class, "Alin sa dalawang pag-ibig kayang iyon
ang totoo?" and then all of my classmates answered,
"Iyong nanatili po!" ngumiti lang yung teacher namin
and then she tell us a story. Sabi niya, "May dalawang
magkasintahan. Iyong unang magkasintahan ay labis na
nagmamahalan. Iyong tipong hindi nila kayang pakawalan
ang isa't-isa. Iyong isang magkasintahan naman, they
both believe that love isn't just about holding on at kaya
nilang palayain ang isa't-isa for them to be a better
person for each other. One day, pareho silang na
involved sa isang banggaan ng bus at truck. Nahulog
yung sinasakyan nilang bus sa bangin. Yung dalawang
babae, nasa bingit ng kamatayan at tanging mga kamay
nalang nung mga lalaking mahal nila ang kinakapitan
nila. Yung naunang magkasintahan na hindi kayang
pakawalan ang isa't-isa ay nanatiling magkahawak ang
kamay. Ayaw pakawalan nung lalake yung babae kasi
takot sya na mahulog ito nang tuluyan sa bangin. Kahit
alam niyang hindi niya kakayanin na hawakan nang
matagal ang kamay ng babae, pinilit niya parin kaya sa
huli, nang hindi niya na nakayanan, nadulas na ang
kamay ng babae at tuloy-tuloy itong nahulog sa bangin.
Iyong pangalawa namang magkasintahan, alam kung ano
ang ibig sabihin ng salitang pagbitaw. Kaya inutusan
nung lalaki ang babae na pansamantalang kumapit sa
ugat ng puno dahil kailangan niyang bitawan ang kamay
nung babae dahil alam niyang hindi na niya kakayaning
hawakan iyon. Nangako ang lalake na babalik ito. Kahit
nasa bingit na nang kamatayan ay pinagkatiwalaan siya
ng babae. Sa muling pagbabalik nito, may dala na syang
lubid. Ginamit niya iyon para matulungan ang babaeng
mahal niya at sa huli ay nailigtas nya ito. Ngayon sabihin
niyo, kaninong pagmamahal ang dakila? Doon sa nanatili
kahit hindi na kaya? O doon sa umalis at bumalik dahil
alam na niya kung paano kang hawakan nang mahigpit at
mailigtas?" A moment of silence. Walang nakasagot. And
it teaches me a lesson.
Minsan, nasasabi natin na "Ang tunay na pagmamahal ay
iyong pagmamahal na nanatili." not even realizing na
hindi lahat ng pagmamahal na nananatili ay busilak,
totoo at dakila. That's why, if someone leaves you, don't
ever try to stop them from leaving. Kasi pag bumalik yan,
doon mo malalaman na mahal ka niyang talaga. Minsan
kasi akala natin mas dakila yung pag-ibig na nananatili.
Eh paano kung nanatili nalang kasi nasanay na? Nanatili
nalang kasi natatakot lang na mag-isa? Nanatili lang kasi
naaawa sayo? Do you think true love parin yun? If
someone leaves you and mouthed you a reason such as
"Hanapin ko lang sarili ko." "I want to change for you."
"I'll just make my self better" you don't have to believe
them. Saka ka maniwalang mahal ka talaga nila kapag
bumalik sila. Because the only way for you to know if a
person really loves you is to set them free. Para rin yan
silang mga asong kalye, pakawalan mo man, babalik at
babalik sa tunay niyang tahanan. If they really see you as
their home, babalik at babalik yan. In the right time. Wag
kang magpaka selfish na hahawakan mo sya till the end
just because you believe it's true love. Di lahat nang
nanatili ay totoo at hindi lahat nang nang-iwan ay
manloloko.
-Glydel Cris Sual
19-04-15 02:08:41 | by jumyr
Views: 85 | Like: 2 * Unlike: 80 *
Comments
jumyr tama ka kate wala ng love, lalo n kung may bago kana :) hehehe.. iiwan at iiwanan ka parin kahit balikan kpa dhil nsanay na xang mang iwan..ksya dapat isip pairslin wag puro love.
19-04-15 03:43:54
skateley34 relate.. kaso wlang bumabalik๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚ may bumabalik man pero wla kna ring pgmmhal s knya๐Ÿ˜๐Ÿ˜
19-04-15 03:15:22
jumyr blogs  My blogs  Blogs
^top  Main
2007 - 2013 topfun.mobi