logoMobile Dating & Chats Online
You surf offline, please Sign up or Log in.
Sign Up  Log In
Kasabayan
Sa lalaking laging nakakatabi sa upuan
Sa lalaking nakakasabay ko lagi sa sasakyan
Ginoo, pwede ko bang malaman ang iyong pangalan?
Kahit di mo na sagutan, ngumiti kalang ay sapat ng dahilan
Para araw-araw aking agahan, gusto ko ikaw lagi ang kasabayan
Lagi naman kasing ginaganahan, pagpresensya mo ay nararamdaman
Mga paro-paro sa tiyan nagliliparan, pag-alam kong ikaw ay nandiyan
Pero isang araw nung ako'y nasa hintayan, nakita kita may ibang kamay na hinahawakan
Mundo'y gumuho sa aking nasaksihan, mundo'y guguho pa pala sa sunod na natuklasan
Na hindi pala babae ang iyong nagugustuhan, kasi lalaki rin ang iyong napupusuan
Ngayon ang puso ko'y paglalamayan, doble-dobleng sakit ang nararanasan
Nasaktan, nabigo at di napagbigyan
Pero sa huli nakaw pa rin kitang sinusulyapan, di ko rin naman kasi kayang pigilan kasi nga puso'y nahulog na sayo ng tuluyan, magtapos man ang tulang ito nais kong iyong malaman
Kahit ano ka man tanggap ka ng aking puso't isipan
Lagi mong tatandaan, babayaran ko ang iyong inuupan kung wala kanang barya diyan😂
19-03-13 01:43:48 | by Reheyn
Views: 67 | Like: 2 * Unlike: 0 *
Comments
archenemy haha cool.
19-03-13 01:54:24
Reheyn blogs  My blogs  Blogs
^top  Main
2007 - 2013 topfun.mobi