logoMobile Dating & Chats Online
You surf offline, please Sign up or Log in.
Sign Up  Log In
PARA SA MGA PAKBOY! :D
Alam kong pangit kung sa'kin manggagaling pero hindi 'to usapang lasing.
Bro, pang-ilan mo na ba yan? Balita ko bago na naman yan ah.
San na si Hannah, si Grace, si Anna. San na si Katie yung medyo blonde hair na kulot?
Bro, nakakagwapo ba? o nakakagago ka?
Ano bang pakiramdam? Ano bang pakiramdam na kapag nakuha mo na sya iiwan mo na lang sya?
Ano bang klaseng laro 'to?
Bakit sa dinami-dami ng laro kami pa yung paglalaruan nyo?
Bro, hindi kami dota. Kapag na first blood mo na GG na Good Game na, Well-played pa.
Hindi rin kami basketball. Na kapag nakatira ka na ng tres tatakbo ka na ng mabilis. Hindi rin kami air throwing na mamimiss mo lang kapag wala ka ng kapiling. At lalong hindi ako LOL para uLOLin mo lang.
Mali ang magmura pero mas mali pag pinili pa kita.
Sinabi mo sa'ken, na lovestory ang buuin pero ang ending naging toystory na lang din.
Ehh kung gusto mo pa lang makipaglaro eh di tara sa court, ano? Sagot!
Hindi mo na pala kelangan sagutin dahil manliligaw ka pa lang hindi na kita sasagutin.
Kase yung tipo mo yung dapat hindi ko tipuhin.
Bro, kase sa totoo lang hindi naman kami isang putahe na kapag natikman mo na hahanap ka na ng iba.
Na kapag nakatikim ka na ng adobo hahanap ka na ng menudo.
Hindi rin kami isang bukas na tindahan. Na kapag wala ka ng kaylangan bigla ka na lang mang-iiwan. Lalong hindi kami milo. Na papapakin mo lang kapag naiinip ka. Hindi rin kami isang uri ng kahoy. Na ipanggagatong mo lang sa tuwing manlalamig ang gabi mo.
Kase gusto namin mahalin at respetuhin. Gusto namin ng chocolate galing zagu hindi dalhin dun sa red na sogo. Gusto namin ng bulaklak ng rosas hindi lang mabulaklak na salita. Na kung dati pinagsisibak ng kahoy ang nililigawan ngayon ang nililigawan na ang sinisibak. Bro, hindi porket may kotse madali mo na kaming madadale. Tamaan na kung tamaan pero sa'yo hindi ako tatamaan. Bro, hindi ka pa ba nagsasawang makakita ng babaeng umiiyak? Dahil iniwan mo na namang wasak? Ilan pa ba ang gusto mong ibiyak?
Bro, anu ba kase kalaki yang pag-aari mo? Kulang ba sa tatlo kasya ba sa walo? Tarantado.
Yan ang hirap sa inyo, hindi na nga gwapo nakukuha nyo pang manloko.
Kung pipili ka ng maloloko wag ako, wag din sya, wag kami. Niloloko mo na nga yung sarili mo dinadamay mo pa kami. Alam mo kung anong tawag sa'yo? Hindi gwapo eh. Hindi rin macho. Gago.
Bro, magpakalalaki ka naman. Naturingan ka pa namang si Adan wala ka namang paninindigan. Alam mo kung ano ang sukatan ng pagiging lalake? Bro, hindi yan sa dami ng nadale. Bro, alam mo ang sukatan ng pagiging gwapo? Hindi yan sa laki ng braso. Alam mo kung ano ang lalaking gwapo? Bro, yan yung may RESPETO.
Bro, ulitin ko lang. Usapang lalake pero parang ayaw na kitang isali. Dahil simula ng manloko ka ng babae hindi ka na isang tunay na lalake. At para sa lalaking ganto, isa lang masasabi ko, ''Saludo ang gitnang daliri ko''.
CTTO.
18-06-12 17:03:27 | by jho17
Views: 195 | Like: 7 * Unlike: 1 *
Comments
lucKY_ME 👍👍👍
18-06-16 00:20:33
yham_ Nice
18-06-14 13:41:19
yanyan26 Nice
18-06-13 19:06:53
jho17 blogs  My blogs  Blogs
^top  Main
2007 - 2013 topfun.mobi