logoMobile Dating & Chats Online
You surf offline, please Sign up or Log in.
Sign Up  Log In
DHIL MAHAL KITA
SA RELASYON, hindi talaga natin maiiwasan ang mga away, hindi pagkakaintindihan, pagtatalo, pagpapalitan ng masasakit na salita, walang katapusang pataasan ng pride, etc.
Minsan maiisip mo na lang na sumuko. Maiisip mo bakit ba ako nagpapakahirap dito, para saan pa ang gulo naman!
Bakit kailangan pang ipaglaban kung matatalo din naman sa huli?
Bakit aayusin mo pa ang away ng ngayon kung mag aaway din naman bukas?
Bakit ba di ka magsawang ayusin ang bawat di pagkakaintindihan? Minsan dadating talaga sa puntong andiyan lahat ng dahilan para bumitaw ka na, pero may isang bagay na pumipigil sayo at sasagot sa lahat ng tanong mo.
Kasi “MAHAL MO SIYA”
Mahal mo kasi siya kaya kahit anong hirap makakaya mo.
Mahal mo kasi siya kaya kahit anong gulo aayusin mo.
Mahal mo kasi siya kaya kahit walang pag asang manalo ipaglalaban mo pa din.♡
Mahal mo kasi siya kaya wala kang pakialam sa bukas.
Ang mahalaga maging masaya kayo ngayon.
Mahal mo kasi siya kaya kahit libo libong away pa ang dumating hindi ka magsasawang intindihin siya, mahalin siya.
Yung mga salitang “MAHAL KITA” yan ang pinaka importanteng bagay na kailangan nating maalala sa mga panahon na gusto mo ng sumuko.
Lagi mo lang tatandaan, Bakit ka ba nagpakahirap ng matagal? Bakit ba kayo umabot sa ganto? Dahil mahal niyo ang isat isa?
Wag niyong hayaang masira ng isang problema yung pagmamahalang iningatan niyo ng matagal.
18-02-22 02:39:33 | by _babygirl_
Views: 185 | Like: 5 * Unlike: 1 *
Comments
Battelbom Im littleboyinside account gay
18-06-28 17:36:55
jumyr Nice.
18-03-24 04:03:49
_babygirl_ blogs  My blogs  Blogs
^top  Main
2007 - 2013 topfun.mobi