logoMobile Dating & Chats Online
You surf offline, please Sign up or Log in.
Sign Up  Log In
Gabi ng Lagim

Ang dilim ng gabi
At ang alitaptap ay nasa tabi-tabi
Na siyang nagbibigay ng liwanag
Ilaw ng buntot nila ang tanging sinag
.
.
Sinimulan ko ng lakarin
Daang hindi tinatahak kapag gabihin
Pagkat maraming haka-haka
Sa gabi daw dito may nagpapakita
.
.
Kinakabahan at natatakot din naman
Pero buong puso pa ring dadaan pagkat ito lang ang paraan
Mapuntahan lamang si Christian
Ang aking minamahal na kaibigan
.
.
Aking naapakan ang mga tuyong dahon
Ingay nito'y nagsilbing tunog sa gabing tahimik at mahinahon
Linakasan ang loob at nagtapang-tapangan
Sa huli mararating ko rin ang aking paroroonan
.
.
Lakad lamang ng lakad
Binibilisan ko na, para makarating agad
Pintig ng puso'y napakabilis
Di marawi kung bakit tila malalamig ang pawis
.
.
May nagliparan sa himpapawid
Tinanaw ko ito, habang tumatawid
Uwak! Uwak! Ito ang kanilang tinig
Habang ito'y naririnig, lumamig bigla ang paligid
.
.
Nabalot na ng kaba
Ang puso kong kanina ay nagtatapang tapangan pa
Tumigil muna sa paglalakad
Pero ang susunod pla na mangyayare ay di ko hinangad
.
.
Ang alam ko ako'y tumigil muna
Pero bakit ang ingay ng tuyong dahon naririnig ko pa
Ito'y nagmumula sa likod
Mga yabag, hudyat na may nakasunod
.
.
Ako'y na estatwa sa aking kinatatayuan
Di makagalaw, laway sa lalamunan natuyu-an
Ang mga itim na ibon na kanina maingay
Lumapit, pumalibot, mga pakpak winagayway
.
.
Ang mga yabag sa likod ay papalapit ng papalapit
Rinig na rinig ko ang tuyung dahon habang ito'y naiipit
Lakas loob ko ng liningon
Ano man ang makita bahala na ang panginoon
.
.
"Bakit ka nag-iisa iha? Haha Gabing gabi na! Hahaha"
Ako'y gulat na gulat sa tawa at tinuran niya
Pero sinubukan kong magsalita kahit utal utal na
"Kil... Kil.. Kil.. Kilala ki.. Ki.. Kita!"
.
.
Kilala ko siya, oo kilala
Pero ang nasa harapan ko ay iba na ang hitsura
"Hahahahahahahaha! Sa gabing ito mas lalo mo pa akong makikila!"
Ang huling nasambit niya
.
.
Unti-unti mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib
Unti-unti siyang palapit, nagaakma ang panganib
Halakhak niya ang bumalot sa madilim na paligid
At madilim na paligid mas lalong nagdilim ng ako'y mawalan ng malay sa gilid
18-06-13 18:58:19 | by Pilyang_Kerubin
Views: 121 | Like: 0 * Unlike: 0 *
Comments
utin4free nagahasa xa? 😂
18-06-15 04:03:20
mybooh89 ai bitin  -xexe-
18-06-14 03:39:41
Pilyang_Kerubin blogs  My blogs  Blogs
^top  Main
2007 - 2013 topfun.mobi